LOOK: Fil-am na ISIS, Nahuli ng FBI

Justin Sullivan

Fil-Am na konektado sa ISIS, nagplano ng massacre, habambuhay na kulong ang sentensiya

Hinatulan ng habambuhay na kulong ang 21 anyos na Filipino American na si Justin Sullivan na plano umanong pumaslang ng daan-daang Amerikano sa ngalan ng Islamic State.

Inaresto si Sullivan noong 2015 matapos madiskubre ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang balak ng Fil-Am na mamaril ng mga pupunta sa isang concert sa Charlotte, North Carolina.

Ayon pa sa FBI, gustong pumatay ni Sullivan ng daan-daang sibilyan para ipakita ang suporta niya sa mga terorista.

Mismong ama ni Sullivan, isang retiradong Marine ang nag-tip sa FBI. Nasamsam sa mga pag-aari ni Sullivan ang isang assault rifle, ski mask, at mga libro tungkol sa mga armas at pakikidigma.

Lumabas sa imbestigasyon na nakipagsabwatan na noon si Sullivan sa isang British hacker na umano’y online recruiter para ng mga gustong magsagawa ng pag-atake sa ngalan ng Islamic State.

Tinalakay rin ni Sullivan ang kaniyang mga plano sa isang undercover agent ng FBI. Sinabi niya sa undercover agent na balak niyang bumili ng baril sa isang gun show at umatake sa anumang lugar na maraming tao.


Inutusan pa noon ni Sullivan ang agent na padalhan siya ng silencer ng baril. Pero nang dumating ang silencer sa kanilang bahay, nakita ito ng kaniyang ina at tinanong siya kung saan ito gagamitin.

Bigla raw inalok noon ni Sullivan ang kausap na undercover agent ng pera para patayin ang kaniyang mga magulang para umano di mabulilyaso ang kaniyang mga plano.

Doon na inaresto si Sullivan.

Nahaharap din si Sullivan sa kasong pagpatay ng kapitbahay na si John Bailey Clark noong 2014. Ninakaw umano noon ni Sullivan ang baril ng ama para patayin si Clark. Ibinaon niya rin umano sa mababaw na hukay ang labi ng biktima. Plano ng mga prosecutor na hingin ang death penalty si Sullivan para sa nasabing krimen.

Nauna namang dumepensa si Sullivan at sinabing hindi siya isang mamamatay-tao.

[Read full

No comments:

Powered by Blogger.