BREAKING: Pinuno ng ISIS, Patay Na



Inanunsiyo ng ISIS na patay na ang kanilang leader na si Abu Bakr al-Baghdadi ayon sa mga ulat sa Iraq.

Sinabi ng terror group na napatay si Baghdadi sa isang air strike sa Nineveh province sa Iraq.

Nakatanggap din ng kumpirmasyon ang Syrian Observatory for Human Rights ukol sa sinasabing pagkamatay ni Baghdadi mula sa ilang top ISIS group leaders.

Ayon kay Director Rami Adel, ngayong araw nila natanggap ang naturang impormasyon pero hindi pa nila batid kung kailan at paano namatay si Baghdadi.

Kamakailan ay isang ISIS preacher at leader ang pinatay ng mga militante matapos aksidenteng magbigay ng suhestyon na dapat ay mamatay na si Baghdadi.

Sinunog hanggang sa mamatay ang senior ISIS leader na si Abu Qutaiba sa Tal Afar.

Huling nakita si Baghdadi sa isang video clip kung saan idineklara nito ang pagkakabuo ng isang Islamist ‘caliphate’ sa Grand Nuri Mosque sa Mosul noong June 2014.

[source] - Radyo Inquirer

No comments:

Powered by Blogger.