PANOORIN: Makabuluhang mensahe ni Robin Padilla's para kay Pres Duterte:"Nagkaroon na tayo ng Pangulo na hindi utus-utusan"


Nagbigay ng isang makabuluhang mensahe ang batikang aktor na si Robin Padilla para sa kanyang mga kababayan kung saan taas noo niyang ipinagmalaki si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas.
Sa video, sinabi ni Robin na bagamat hindi man daw perpekto si Pangulong Duterte pero aniya ngayon lang nagkaroon ang bansa ng Pangulo na tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino, hindi nagpapasindak at nagpapa-alipin sa mga dayuhan lalo na sa bansang Amerika.
"Siya lang ho ang Pangulo[Duterte] na lahat na tayong mga Pilipino ngayon pwede tayong nakataas ang dibdib, nakataas ang noo dahil meron tayong Presidenteng sisipain ang Presidente ng Amerika..hindi siya tuta. Nagkaroon tayo ng Pangulo na hindi utus-utusan ng dayuhan," wika ni Robin.
Dagdag pa nito, kailangan huwag na raw hayaan pa ang oposisyon na magtagumpay sila sa kanilang plano na patalsikin ang Pangulo sa kanyang posisyon at makabalik ang mga ito sa kapangyarihan.
"Pag pinakawalan pa natin si Mayor, hindi na ho muli tayo makakatindig na ganito na nakataas ang ating mga noo," ani ni Robin.
Ito ay dahil pagod na ang taong-bayan sa mga baluktot at tiwaling opisyal na namamalakad sa bansa noon kaya pinili nilang italaga si dating Davao City Mayor Duterte bilang Pangulo.
Samantala, nagpasaring naman ang aktor sa dating administrasyon dahil sa mga ginawang anomalya nito lalo na sa reporma sa lupa na dapat sana ay naipamahagi na sa mga magsasaka noon.
Nagpahayag naman ng pangsang-ayon ang ilang mga netizens sa naging pahayag ng aktor at ito ang ilan sa kanilang mga sinabi.


Ngunit may iba naman ang naglabas ng kanilang pagkadismaya at narito ang ilan sa kanilang mga sinabi:

[source]

No comments:

Powered by Blogger.