Galit Si PNP Chief Bato Dela Rosa! Ipinatawag Mga Sloppy Na Security Sa Resorts World Manila!

Isinisi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa sa security lapses ng Resorts World Manila ang naganap na pag-aamok ng isang lalaki sa loob ng hotel and casino kaninang madaling araw.

Ayon kay Dela Rosa, sana hindi na hinayaan ng guwardiya na makapasok at makapagdala ng armalite ang suspek, dapat agad nang nakipagbarilan ang guwardiya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng PNP chief ang pamunuan ng mga aestablisyemento gaya ng mga malls at hotels na tumawag agad ng saklolo sa pulisya sa mga insidenteng gaya nito at huwag sarilinin ang mga ganitong insidente.

Matatandaang pasado alas 12 kaninang madaling araw nang looban ng isang armadong lalaki ang casino sa Resorts World, nagsunog ng mga lamesa at nagnakaw ng casino chips.

Nauna na ring kinumpirma ng PNP chief na sinunog ng suspek ang kanyang sarili sa isa sa mga hotel rooms.



[source]

No comments:

Powered by Blogger.