ARESTADO! 2 Membro ng Maute Group Na May Dalang Flag ng ISIS


Nahuli nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang dalawang miyembro ng local ISIS sa probinsya ng Maguindanao.

isis flag


Nakilala ang mga suspek na sina Kamarodin Butukan Rajab at Akmad Ginta Acob, habang nakatakas naman ang kasamahan nila na si Iskak Mohammad,mga residente ng Sitio Nabilan Barangay Dimapatoy, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.



Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Public Affairs chief, Captain Arvin Encinas na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng 5th Special Forces Battalion, 19th Infantry Battalion, 6th Military Intelligence Battalion at Criminal Investigation and Detection Group ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kuta ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng AK47, limang M16 armalite rifle, dalawang carbine, caliber .45 pistol, dalawang shotgun, improvised RPG, 50 caliber o barret with telescope sniper rifle, mga sangkap sa pagawa ng improvised explosive device (IED) kasama ang daan-daang mga bala at black flag.

Sa ngayon hawak na ng CIDG ARMM ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.

[source] - Bombo Radyo

No comments:

Powered by Blogger.